Call us: (+63) 946 115 5555
Dr. Jaafar Said is a versatile professional who has not only established himself as a skilled general practitioner but has also ventured into various diverse fields. Alongside his medical practice, Dr. Said showcases his entrepreneurial spirit, thriving as a writer and a website developer. This multifaceted approach to his career underscores his dynamic and creative mindset, making him a true Renaissance professional. Driven by a passion for both the healing arts and the digital realm, he embodies the modern practitioner, contributing to the world of medicine while simultaneously exploring innovative avenues that bridge healthcare and technology, exemplifying his unwavering dedication to personal and professional growth.
Ang mga gamot na sasabihin dito ay para sa mga ordinaryong singaw (mouth ulcer o aphthous stomatitis). Ito yong mga singaw na sanhi ng sugat galing sa kagat sa bibig o dila, tinik ng isda, o kaya ay braces. Ganon paman, ang 4 na home remedy at gamot sa singaw ay tawas, solosyon ng asin, Daktarin gel at Kamillosan spray.
Tawas: Mabisa sa Pabalik balik na Singaw
Ang tawas (o alum powder) ang pinakasikat na ginagamit ng mga pinoy sa singaw. Pero epektibo ba ito? Hayon sa aral nila Dr. Moghadamni, ang tawas ay mabisang gamot sa singaw na pabalik balik (o yong tinatawag na Recurrent aphthous stomatitis). Epektibo iang tawas sa pagpapaliit, pagpapabilis sa paggaling, at pagpapababa sa sakit ng singaw sa loob ng limang araw. Ito ay nakakatulong sa pamamagitan ng paglabas ng likido (tubig) sa loob ng singaw. Kapag natanggal ang likido o tubig sa singaw, bumibilis ang proseso ng paggaling nito. (1)
Paano Gamitin ang tawas para sa Singaw?
Upang gamitin ang tawas sa paggamot ng singaw, sundan ang mga tagubilin na ito:
- Kumuha ng kaunting tawas powder at ipahid ito diretso sa sugat sa iyong bibig o dila.
- Maghintay ng mga isang minuto bago idura ang laway. Siguraduhing hindi malunok ang tawas
- Banlawan ng mabuti ang bibig.
- Maaaring maranasan mo ang isang matalas na kirot, ngunit epektibo ang paraang ito dahil direkta nitong pinatutunguhan ang singaw.
- Gawin ito dalawa o tatlong beses sa isang linggo. (hindi tatlong beses sa isang araw)
Alternatibong Paraan ng Paggamit ng Tawas
- Ipaghalo ang ilang patak ng tubig sa tawas powder upang makagawa ng paste. Ipahid ang paste sa singaw..
- Lagyan ng tawas and ½ glass ng tubig upang makagawa ng mouthwash. Gamitin ito upang banlawan ang iyong bibig. Tandaan na hindi lalampas ng 2-3 minuto bago banlawan ang bibig.
Gaano Kadalas Gamitin ang Tawas para sa Singaw?
Gamitin ang tawas sa iyong singaw dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo. Sa loob ng unang 24 na oras ng paggamit ng tawas, maari mong maranasan ang malaking ginhawa.
Bakit epektibo ang tawas?
Ang tawas ay gumagana sa iba’t ibang paraan upang tulungan gamotin ang singaw:
- Ito ay nagiging astringent, na nagtatanggal ng likido mula sa sugat at tumutulong sa mabilis na pagsara ng singaw.
- Bilang isang anti-inflammatory agent, tumutulong ang tawas sa pagbawas ng sakit at pamamaga.
- Mayroon din itong mga antibacterial na katangian, na maaaring pumigil sa pagdami at pagkalat ng bacteria at makakatulong ito sa paggaling ng mga singaw.
Asin na Tinunaw sa Tubig (Salt Solution): Murang Panggamot
Ang tubig-alat ay isang natural disinfectant (pumapatay ng mikrobyo) at epektibo sa paggamot ng singaw sa pamamagitan ng pagbawas ng pamamaga.
Ito rin ay may antibacterial properties na nagiging hadlang sa paglaki ng mga bacteria, kaya napapabilis sa proseso ng paggaling sa mga sugat sa bunganga.
Upang maghanda ng solusyong tubig-asin, ipaghalo ang:
Isang kutsaritang asin sa isang tasa ng maligamgam na tubig. (Estimate mo lang na ang 7 grams na asin ay ihahalo sa 100 ml na tubig para makabuo ng 7% salt solution)
Magbanlaw ng solusyon sa bibig ng mga 30 segundo hanggang dalawang minuto bago iluuwa. Sa unang pagkakataon, maaaring maranasan mo ang isang banayad na pangingirot. Gawin ito 3 beses sa isang araw. (2)
Warning: Iwasan ang paglagay ng asin direkta sa isang singaw dahil maaaring palalain nito ang pagkabalisa at matatagalan lang ang paggaling ng singaw.
Kamillosan Spray: Mabilis at Madali Gamitin
Ang Kamillosan spray ay kadalasang ginagamit sa masakit na lalamunan pero ito ay ginagamit rin para sa singaw. Ito ay isang espesyal na produkto na nagtataglay ng mga therapeutic effect ng Chamomile galing sa Germany.
Ang Chamomile ay epektibong anti-inflammatory agent na maayos na nakakabawas ng sakit, pamamaga, at pamumula na kaugnay ng mga sugat o singaw sa bibig. Ang likas na katangian nito ay nagiging tamang alternatibo para sa mga naghahanap ng hindi masyadong mahapdi pero epektibong solusyon para sa singaw.
Ang Chamomile ay naglalaman rin ng mga sangkap na kilala bilang chamazulene at bisabolol, na nagtataglay ng antimicrobial at analgesic na katangian. Ayon sa pag-aaral, ang paggamit ng Chamomile ay nagpapaliit ng singaw sa loob ng apat na araw, at nagpapababa ng sakit sa loob ng tatlong araw. (3)
Ang paggamit ng Kamillosan ay simple at madali lang. Matapos kumain, mag-aplay ng dalawang spray ng Kamillosan sa singaw. Maaaring gawin ito hanggang tatlong beses sa isang araw.
Daktarin at Nystatin: Kung may Fungal Infection
Kung kaya mong tiisin ang sakit at hapdi ng solusyong may asin, tawas, o oral disinfectant, mag-ingat dahil hindi ibig sabihin ay kaya rin itong tiisin ng mga bata.
Kadalasan, nawawalang kusa ang singaw, ngunit kung ito ay sanhi ng fungal infection na karaniwan sa mga bata, dapat itong gamitan ng tamang gamot. Ang Miconazole tulad ng Daktarin® oral gel ay nirerekomenda ng mga doktor bilang isang gamot na nagpapagaling ng singaw sa bibig na dulot ng fungal infection. Maaari itong gamitin sa mga bata na may edad na 4 na buwan pataas.
Ang Daktarin® oral gel ay orange-flavored na madaling gamitin at hindi masakit. Para gamitin ito:
- Kausapin muna ang bata. Inaakala ng mga bata na ang gamot ay nagdudulot ng sakit, kaya’t mas mabuting maunawaan nila ito at sabihin kung bakit talaga nila kailangang gamitin ang gamot..
- Siguraduhing nakakain na ang bata (anak mo) bago gamitin ang Daktarin® oral gel. Ito ay upang maiwasan ang paglunok agad ng gel.
- Kapag inilalagay ang gel sa apektadong lugar, gamitin ang cotton swab o malinis na daliri upang maiwasan ang kontaminasyon.
- Ilagay ang Daktarin® oral gel sa apektadong lugar nang hindi bababa sa 4 beses isang araw pagkatapos kumain. Siguraduhin na hindi ilalagay ang gel malapit sa likod ng lalamunan ng bata, dahil maaaring magdulot ito ng panganib sa pagkakalunok.
Habang ang Nystatin ay isa ring karaniwang gamot na ginagamit para sa pampalunas ng oral candidiasis. Ito ay nabibili o nakukuha sa anyo ng pastilya, mouth wash, at suspension. Inirerekomenda sa mga pasyente na i-gargle o magbanlaw ng Nystatin apat na beses sa isang araw sa loob ng dalawang linggo. (4)
Conclusion
Kung kami ang papipiliin sa mga home ready at gamot sa singaw, irerekomenda namin ang solosyon ng asin dahil kompara sa tawas, mas madaling tiisin ang kirot nito. Subalit kung kayang kaya mo ang kirot ng tawas, mas mabilis magpagaling ito. Kung sa gamot naman na nabibili sa pharmacy, irerekomenda namin ang Kamillosan dahil ito ay mas madali ito gamitin at mabilis rin ang effect nito.
References
- Moghadamni, Efficacy of alum for treatment of recurrent aphthous stomatitis, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5062179/, 2016
- Huynh, Rinsing with Saline Promotes Human Gingival Fibroblast Wound Healing In Vitro, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4956236/, 2016
- Seyyedi, The therapeutic effects of chamomilla tincture mouthwash on oral aphthae: A Randomized Clinical Trial, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4312682/, 2014
- Taylor, Oral Candidiasis, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK545282/, 2023