gamot sa sipon at baradong ilong

7+ Home Remedy at Gamot sa Sipon at baradong ilong (2023)

Dr. Nashiba Rataban is a dedicated resident in the field of Anesthesia, with a passion for excellence that has been evident since her college days. During her undergraduate years, she served as the distinguished chief editor of her college publication, showcasing her strong leadership skills and commitment to academic and editorial excellence. Her impressive journey from being a college student to a proficient anesthesia resident underscores her unwavering dedication to her chosen field and her continued pursuit of excellence in all her endeavors.

Ang mga home remedy na nakakatulong maging hydrated (o nagpapabasa) ng ilong ay maaaring makapagdulot ng kaginhawahan sa sipon. Subalit ang mga gamot at home remedy sa sipon ay depende pa rin sa sanhi nito.

Dito, aaralin natin ang mga lunas sa sipon na sanhi ng common cold (o flu), pero kung gusto nyo alamin ang iba’t ibang uri ng sipon tulad ng allergic rhinitis, sinusitis, at iba pa, basahin nyo ang article namin tungkol sa sipon.

Pero generally speaking, ang sipon ay dulot ng sobrang produksyon ng plema sa iyong ilong. Ito ay nagreresulta ng pagtulo ng liquid mula sa iyong ilong at sa likod ng iyong lalamunan.

Ang sipon ay pwedeng may pamamaga o wala sa ilong. Kung ito ay may pamamaga, ito ay dulot ng pamamaga ng daanan ng hangin sa ilong, na siya ang nagsasanhi ng baradong ilong. Iba ang gamot sa sipon mismo, at iba rin sa baradong ilong.

Sa blog na ito, susuriin natin ang mga home remedy at mga mabibisang gamot na maaari mong gamitin upang maibsan ang mga sintomas ng sipon.

lalaking may sipon

Home Remedy

Ang mga home remedy gamot sa baradong ilong at sipon ay ang mga sumusunod: (1)

Uminom ng maraming tubig

Ang pag-inom ng maraming tubig, na hindi kukulang sa walong baso, ay tumutulong sa pamamagitan ng pagpapanipis ng plema sa iyong mga sinus. Kaya ang plema ay mas madaling mailabas. Kung hindi sapat ang tubig na iniinom, maaaring maging makapal at malagkit ang plema, na maaaring magdulot ng baradong ilong.

Subalit, kailangan iwasan ang mga inuming nakakasanhi ng pagka-uhaw tulad ng kape at alak. Hindi rin kailangan na uminom ng sobrang tubig, dahil wala talagang masusing aral na nagsasabi na nakakalunas talaga ang pag-inom ng tubig.

Tsaa (Tea) at Ibang Inomin

Ang mainit na tsaa ay nakakatulong sa pagbukas mga daanan ng hangin sa ilong at pag-alis ng pamamaga nito.

Mayroon rin ilang mga herbal na tsaa na naglalaman ng mga katangian na nagpapaluwag ng pamamaga. Hanapin ang mga tsaa o inomin na naglalaman ng mga halamang may anti-inflammatory at antihistamine tulad ng lemon (Citrus limon Burm) at salabat. (2)

Humidifier

Ayon sa isang pag-aaral, ang paghinga ng mainit na usok mula sa humidifier ay nakakatulong sa pag-alis ng plema. Mayroon ding isang pag-aaral na ang paggamit ng steam inhalation ay epektibong nakakapagpabawas ng isang linggong paggaling mula sa sakit kumpara sa walang steam inhalation.

Ang mga humidifier ay epektibo dahil nililipatan ng tubig ang plema sa daanaan ng hangin. Kaya ito ay nagpapa-alis sa plema at nagpapagaan sa pamamaga ng ilong.

Subalit may pag-aaral din na nagsasabi na hindi epektibo ang humidifier sa mga common cold, kaya kung hindi available ang humidifier sa bahay, piliin nalang ang ibang paraan. (4)

Steam sa Mukha

Tulad ng humidifier o, ang steam sa mukha ay maaaring makatulong sa paglunas ng plema at pag-alis ng sipon. Narito ang mga hakbang kung paano gawin ito:

  • Painitin ang tubig sa isang malinis na kaldero sa kalan, sapat lamang upang magkaroon ng usok (steam). HUWAG itong hayaang kumulo.
  • Ilagay ang iyong mukha sa 8 hanggang 12 pulgada (inches) mula sa pinapainitang tubig sa loob ng 5 minuto. Huwag hayaang dumikit ang iyong mukha sa tubig. Isara ang iyong mga mata at huminga nang malalim gamit ang ilong.
  • Magpahinga kung sobrang init na ang iyong mukha.
  • Punasin ang ilong pagkatapos ng proseso upang alisin ang plema.
  • Ulitin ang prosesong ito 2 o 3 beses sa isang araw kung mayroon ka pa ring mga sintomas.

Pwede ka ring magdagdag ng ilang patak ng mga essential oil tulad menthol para mas mabango at sa karagdangang benepisyo. (3)

Maligagam na Shower

Kung gusto mo ng mas mabilisang ginhawa, subukan mo ang maligamgam na shower. Tulad ng facial steam, ang maligagam na shower ay maaaring makatulong sa sipon at baradong ilong. Ilagay ang iyong mukha at mga sinus direkta sa spray ng shower para sa mabilisang resulta.

Nasal spray

Ang mga nasal spray ay isang OTC na ginagamit na paggamot sa sipon. Bagaman may mga nasal spray na nabibili sa botika, ang mga saline nasal spray ay isang natural na paraan dahil ito ay binubuo lamang ng asin (walang kemikal o gamot).

Ang saline ay galing sa pinaghalong tubig at kunting asin na siyang nagbabawas ng pamamaga at plema sa ilong. Ayon sa isang pag-aaral, ang paggamit ng saline nasal spray ay nakapagpabuti ng mga sintomas tulad ng sipon at baradong ilong, at nakakapagbigay ng kalidad na pagtulog. (5, 6)

Kung gusto mong gumawa ng saline spray solution, maglagay ng isang kutasaritang asin sa isang basong (~200 ml) maligamgam na tubig. Ilagay ito sa spray at gamitin ito sa magbilang ilong. Kung gusto mo ng ready-made, pwede kang bumili ng preservative-free saline nasal sprays tulad ng Salinase at Nasoclear na nabibili sa mga botika. (7)

Salabat (Ginger)

Ang salabat ay isang likas na panlunas sa mga namamagang ilong, lalo na kung ito ay dulot ng common cold at sinusitis dahil sa kanyang likas na anti-inflammatory effect. May ilang paraan para magamit ang salabat para sa pagkabara ng ilong. (8)

Una, maaaring ihanda ang tsaa ng salabat sa pamamagitan ng pagbabad ng sariwang hiwa o powder sa mainit na tubig. Ito ay nagbibigay ng ginhawa sa lalamunan at nagsasaayos ng mga daanan ng hangin sa ilong. Sa kabilang banda, pwede rin magsinghot ng singaw (steam) ng salabat. Ito ay ginagawa pagkatapos magpakulo ng tubig na may hiwang salabat o ilang patak ng ginger essential oil. Maaari ring gumawa ng compressed ginger sa pamamagitan ng paghahalo ng kinudkod na salabat sa mainit na tubig upang maging paste. Pagkatapos, maari itong ilagay sa isang tela at ilapat sa noo o dibdib upang magbigay-ginhawa sa pagkabara in ilong.

Warm Compress

Ang pag-aplay ng mainit na tuwalya (kompreso) sa iyong noo at ilong ng ilang beses sa isang araw ay nakakatulong din sa pagpapabuti ng iyong sipon at pagpapalma sa presyon sa sinus.

Ang mainit na kompreso ay gumagana sa pamamagitan ng pagpapataas ng sirkulasyon ng dugo sa iyong sinus. Ito ay nakakatulong din sa pagtanggal ng pamamaga sa ilong sa pamamagitan ng pagdagdag ng kahalumigmigan sa hangin na iyong nilalanghap.

Para makagawa ng kompreso sa bahay, ibabad ang malinis na tuwalya sa mainit (hindi kumukulo) na tubig mula sa gripo at ilagay ito sa iyong noo at ilong ng 15 hanggang 20 minuto.

Honey

Maraming aral na nagsasabi na ang honey ay epektibo sa sipon kahit sa mga batang 1 year old pataas. (9)

mga gamot sa sipon

Gamot sa Sipon at Baradong Ilong

May 2 uring gamot sa sipon: ang antihistamine at decongestants. Ang halimbawa ng antihistamines ay ang Diphenhydramine, Cetirize, at Loratadine. Ang halimbawa naman ng decongestant ay ang Phenylpropanolamine at Phenylephrine.

PANGALAN NG GAMOTKUNG PARA SAAN
Diphenhydramine (Benadryl)Kung ang sipon ay dahil sa Allergy at di makatulog
Cetirizine (Alnix) at Loratadine (Allerta)Kung ang sipon ay tumutulo na parang tubig ngunit maayos ang tulog
Phenylpropanolamine (Decolgen at Symdex)Kung may sipon na parang barado ang ilong
Phenylephrine (Neozep)Kung may sipon na parang barado ang ilong at walang ganang kumain
Gamot sa Sipon

Anong gamot sa tumutulong Sipon?

Ang pinakamabuting gamot para sa mga tumutulong na sipon ay ang mga antihistamines tulad ng diphenhydramine (Benadryl), brompheniramine (Dimetapp Cold, Robitussin Cold & Allergy), Cetirizine (Alnix), Chlorpheniramine (Neozep), at Loratadine (Allerta).

Subalit kailangan mong alamin ang 2 uri ng antihistamine para alam mo kung kailan ito iinomin. Ang mga “First generation” tulad ng Diphenhydramine (Benadryl) at Chlorpheniramine (Neozep) ay nakakadulot ng pagka-antok kaya mas mainam na inomin ito sa gabi.

Ang mga “second generation antihistamine” naman tulad ng Loratadine at Cetirizine ay wala o kunti lamang ang epekto nitong pampa-antok.

Ang mga antihistamine ay iniinom isang beses sa isang araw lamang, hanggang 5 araw. Epektibo sa mga matatanda pero hindi sa mga batang may sipon dahil sa common cold. (10)

Anong gamot sa sipon na may baradong ilong?

Ang gamot para sa sipon na may baradong ilong ay ang mga oral decongestants. Ito ay nakakatulong sa pamamagitan ng pagbabawas ng pamamaga ng mga daluyan ng dugo sa ilong. Ang mga halimbawa nito na available sa Pilipinas ay ang phenylephrine (Neozep) at phenylpropanolamine (Decolgen at Symdex).

Subalit ang mga decongestant at hindi epektibo kung walang halo. Yan ang dahilan kung bakit ang mga gamot ay naghahalong antihistamine at decongestant para mas maging epektibo. Ganon paman, pwedeng inomin ang Neozep, Decolgen at Symdex tatlong beses sa isang araw. (11)

Conclusion

Kung ikaw ay may sipon pero hindi barado ang ilong, pwede kang uminom ng antihistamine at gumamit ng nasal spray. Uminom ka ng maraming tubig at isang basong tsaa kung available ito. Kung may barado naman sa ilong, uminom ka ng gamot na may pinaghalong antihistamine at decongestant tulad ng Neozep (phenylephrine + Chlorpheniramine) at Decolgen Forte (Phenylpropanolamine + Chlorpheniramine).

Para sa mas mabilisang gamotan, gawin ang isa o dalawang home remedy tulad ng paggamit ng honey, warm compress at steam sa mukha.

References

  1. Common colds: Relief for a stuffy nose, cough and sore throat, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK279542/, 2020
  2. Lim, The Natural Products Targeting on Allergic Rhinitis: From Traditional Medicine to Modern Drug Discovery, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC8532887/, 2021
  3. Tungsukruthai, Efficacy and safety of herbal steam bath in allergic rhinitis: a randomized controlled trial, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/29397091/ 2017
  4. Singh, Heated, humidified air for the common cold, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6483632/, 2017
  5. Long, The Common Cold, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC7152197/, 2017
  6. Tano, A daily nasal spray with saline prevents symptoms of rhinitis, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/15513550/, 2004
  7. Saline Nasal Irrigation for Upper Respiratory Conditions, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2778074/, 2009
  8. Bode, The Amazing and Mighty Ginger, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK92775/
  9. Stevermer, A spoonful of honey helps a coughing child sleep, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3601686/, 2013
  10. Sutter, Antihistamines for the common cold, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/26615034/, 2015
  11. Deckx, Nasal decongestants in monotherapy for the common cold, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6461189/, 2016