gamot sa ubo

Mabibisang Brand ng mga Gamot sa Ubo

best internist near me

Dr. Juhairah Magarang-Said is a distinguished internist and entrepreneur, celebrated for her exceptional leadership, commitment to healthcare, and innovative approach to business.

Ikaw ba ay may ubo? Maraming over-the-counter na gamot na nakakabigay ginhawa, ngunit ang mga gamot na ito ay depende sa mga sintomas na nauugnay sa ubo. May plema ba ito o wala? May dugo ba ang plema? Sa gabi lang ba ang pag-uubo? Gayonpaman, may apat na uri ng gamot na ginagamit upang maibsan ang ubo: mga pampatigil sa ubo (Cough Suppressants), mga pampalabas ng plema (Expectorants), mga panpatunaw ng plema (Mucolytics) at mga pampahid (Topical). (1)

GENERIC (BRAND NG GAMOT)KUNG PARA SAAN
Acetylcysteine (Fluimucil)Para sa malalang ubong may plema sa lalamunan
Butamirate (Sinecod Forte)Tablet Para sa matagal na ubo
Guaifenesin (Robitussin) Para sa ubong may plema at sipon (common colds)
Dextromethorphan (Robitussin DM)Syrup para sa ubo ng matanda o bata na walang plema
Carbocisteine (Solmux) Capsule Para sa may plema, may hirap sa paghinga, o may COPD
Ambroxol (Mucosolvan o Expel)Syrup para sa ubo ng bata na may plema (>1 month old)
Menthol (Vicks)Pampahid para sa ubo ng bata 2 years old pataas
Dextromethorphan Salbutamol (Solmux Broncho)Para sa ubo na madalas pag gabi
Dextromethorphan Phenyl(Tuseran Forte)Para sa ubo sanhi ng trangkaso
Diphenhydramine Phenyl (Tuseran Night)Para sa hindi makatulog sa ubo at sipon
Gamot sa ubo

Gamot na nagpapatigil ng ubo

Ang mga Suppressants, na kilala rin bilang antitussives, ay gumagana sa pamamagitan ng pagsasara sa reflex ng ubo. Tinutulongan nila bawasan at ipahina ang madalas na pag-ubo, ng sa ganon ay nakakapagbigay daan para makapagpahinga at makarekober. Karaniwang naglalaman ng aktibong sangkap tulad ng dextromethorphan, Butamirate o codeine ang mga gamot na ito. Sila ay kumikilos sa bahagi ng utak na kontrola ng ubo para magbigay ng pansamantalang ginhawa. (2)

  • Dextromethorphan: Ang mga gamot na may dextromethorphan na available sa Pilipinas ay Robitussin DM, Vicks Formula 44, at Tuseran Forte.
  • Butamirate: Ang butamirate ay umiepekto mismo sa baga (bronchodilator muscles), kaya epektibo ito sa matagal na ubo (chronic inflammatory bronchial diseases). Ang sikat na gamot na may Butamirate na available sa Pilipinas ay ang Sinecod Forte tablet. (3)
  • Codeine: Ito dati ang pangunahing gamot sa ubo, ngunit may aral na nagsasabi na hindi ito epektibo, kaya hindi masyado ginagamit ang codeine sa Pilipinas (4)

Warning: Ang mga cough suppresants na mga gamot na walang reseta ay hindi dapat palaging gamitin sa mga bata mababa sa dalawang taon gulang (<2 years old). (5)

Gamot na nagpapalabas ng plema?

Ang mga ganmot na nagpapalabas ng plema ay tumutulong magpakupas at ilabas ang plema mula sa mga daanan ng hangin. Ang mga ito ay maaaring kapaki-pakinabang kapag mayroon kang productive cough (ubo na nagdadala ng plema). Sa pamamagitan ng pagpapatinis ng plema, ginagawang mas madaling ilabas at ubuhin ito. Karaniwang makikita ang mga gamot na ito sa sangkap na guaifenesin, ambroxol, at carbocisteine. Kapag ginagamit ang mga ito, mahalaga na uminom ng maraming tubig upang mas maging epektito ito.

  • Guaifenesin: Ang guaifenesin ay gumagana sa pamamagitan ng pagpapalabas ng plema sa baga at pagpapanipis ng plema. Ito ang karaniwang ginagamit sa karaniwang ubo (common cold) na may plema at sipon. Isa sa mga halimbawa ng Guaifenesin ay ang Robitussin liquid. (6)
  • Carbocisteine: May isang pag-aaral na sinasabi na ang paggamit ng Carbocisteine ay nagpapabawas sa ubo ng 74.9%, nagpapaliit sa plema ng 48.5%, nagpapagaling sa hirap na pahghinga ng 29%, at nakakalunas sa pagod ng 50%. Ang Solmux capsule ang isa sa pinakasikat na gamot sa Pilipinas na may Carbocisteine. (7)
  • Ambroxol: Ang ambroxol ay epektibo at ligtas gamitin bilang over-the-counter na gamot at secretolytic therapy (nagpapalabas ng plema) para sa mga bata at matatanda na may bago o matagalang ubo (acute at chronic respiratory diseases). Ang Mucosolvan at Expel syrup ay ang ilang example ng mga gamot na may Ambroxol. Ito ang mga kadalasang binibigay sa mga batang isang buwan pataas (>1 month old). (8)

Gamot na tumutunaw ng plema

Ang acetylcysteine ay isang espesipikong mucolytic agent na karaniwang ginagamit upang bawasan ang pagdikit at pagtigas ng plema sa mga daanan ng hangin. Gumagana ito sa pamamagitan ng pagkasira ng mga kemikal na bumubuo sa istraktura ng plema. Sa tulong ng mucolytic, ginagawang hindi malagkit kaya mas madali itong matanggal mula sa baga sa pamamagitan ng pag-ubo o pagsuka.

Ang mga mucolytic tulad ng acetylcysteine ay maaaring ibinibigay sa iba’t ibang paraan. Kung ito at tablet o effervescent granule, pwede itong tunawin sa tubig para makabuo ng solusyon na pwedeng inomin. Mayroon ding acetylcysteine na liquid na pwedeng gamiting nebulizer.

Epektibo ang acetylcysteine sa mga ubong mya plema na sanhi ng iba’t-ibang mga karamdaman tulad ng cystic fibrosis, chronic obstructive lung disease, at bronchiectasis, pero hindi ito karaniwang inirerekomenda sa acute asthma attacks. (9, 10)

Acetylcysteine: Ang mga sikat na gamot na may acetylcysteine ay Fluimucil, Exflem, at Flemisten.

Gamot sa ubo na Pinapahid

Ang isa pang pagpipilian para maibsan ang mga sintomas ng ubo ay ang paggamit ng mga pampahid o balsamo na inilalapat sa labas ng dibdib at lalamunan. Karaniwang naglalaman ang mga produktong ito ng mga sangkap tulad ng camphor, menthol, o eucalyptus oil.

Kapag inilalapat sa balat, nagbibigay sila ng malamig o mainit na pakiramdam na makatutulong sa pagpapalubag ng iritadong mga daanan ng hangin at pansamantalang nagbibigay ng ginhawa mula sa pag-ubo. Ang mga pampahid na ito ay maaaring makatulong sa pag-alis ng mga sintomas ng ubo sa gabi at magkaroon ng magandang pagtulog.

Mabuti itong gamitin sa mga batang 2 taon pataas. (11)

Ang pinakasikat na ginagamit na pampahid para sa ubo ay ang Vicks.

Bakit may mga kombinasyon ang mga gamot?

Ang kombinasyon ng gamot ay tumutukoy sa mga over-the-counter na gamot na pinagsasama ang isang pampatigil at pampalabas ng plema. Ang mga karagdagang gamot na ito ay maaaring maglaman ng antihistamines, decongestants, at mga gamot na pampawala ng sakit.

Ang kagandahan ng mga kombinasyong gamot ay nagbibigay ito ng komprehensibong solusyon sa pag-address ng iba’t ibang mga sintomas na sumasabay sa ubo. Halimbawa, kung ikaw ay mayroong pangangalay ng katawan, ubo, at pagbara ng ilong, ang isang kombinasyong gamot ay makakatulong na maibsan ang mga sintomas na ito sa pamamagitan ng isang produkto lamang.

May aral na nagsasabi na ang pagkombina ng isang antitussive at isang beta 2-sympathomimetic (Dextromethorphan + Salbutamol) ay napaka-epektibong paraan sa pagbibigay ginhawa sa mga ubong madalas sa gabi. (12)

Halimbawa nito ay ang Solmux Broncho.

Ayon din sa Unilab, ang produkto nilang Tuseran night (kombinasyon ng Diphenhydramine at Phenylpropanolamine) ay nakakatulong sa taong hindi makatulog dahil sa ubo at sipon. Subalit kailangan nyo malaman na ang Diphenhydramine ay gumagana dahil ito ay pumapasok sa utak na nagreresulta ng antok at pagtigil ng cough center sa utak (kaya nakakawala ng ubo). (15)

Gayunpaman, mahalagang tandaan na maaari kang makainom ng gamot na hindi mo kailangan kapag gumagamit ka ng kombinasyong gamot. Halimbawa, kung uminom ka Tuseran (kombinasyon ng Dextromethorphan, phenylpropanolamine, at paracetamol) na wala ka namang pananakit ng katawan, sipon, o lagnat, nakainom ka lang phenylpropanolamine (para sa sipon) at paracetamol (para sa lagnat o sakit ng katawan) na hindi kailagan.

Warning: Wag magpainom ng kombinasyon na gamot ang mga batang anim na taon pataas dahil sa mga posibleng side effects. (13)

Safe ba ang Gamot sa Ubo?

babaeng nakainom ng gamot para sa ubo

Kadalasan, hindi inirerekomenda ng mga doktor ang pag-inom ng gamot para sa ubo maliban kung ito ay malala at may epekto sa iyong pagtulog o nagiging hadlang sa iyong pang-araw-araw na mga gawain.

Kaya kung ikaw ay may maintenance na gamot para sa high blood, diabetes, asthma, sakit sa puso, at iba pa. Wga padalos-dalos ang pag-inom ng gamot para sa ubo.

Isa sa mga karaniwang sangkap ng gamot para sa ubo ay ang dextromethorphan. Ito ay maaaring mag-interact sa ilang mga gamot na ginagamit sa paggamot ng depression. Mahalagang maging maingat at humingi ng payo sa doktor bago pagsamahin ang gamot sa ubo na naglalaman ng dextromethorphan kasama ang mga gamot na antidepressant tulad ng monoamine oxidase inhibitor.

Bukod dito, ilan sa mga kombinasyon ng gamot sa sipon at ubo ay maaaring maglaman ng mga decongestant (tulad ng Pseudoephedrine), na maaaring magdulot ng pagtaas ng blood pressure (high blood). Kung ikaw ay may mataas na BP o kaya ay mayroon kang sakit sa puso, mas mabuting iwasan ang mga ganitong gamot na naglalaman ng decongestant. (14)

Upang tiyakin ang iyong kaligtasan at maiwasan ang posibleng komplikasyon, mabuti na humingi ng pahintulot ng iyong doktor bago subukan ang over-the-counter na gamot sa ubo, lalo na kung ikaw ay kasalukuyang iniinom na mga gamot (maintenance). Maaaring suriin ng iyong doktor ang iyong partikular na kalagayan, magbigay ng personal na payo, at magrekomenda ng pinakamaayos na gamot para sa ubo.

References

  1. Blasio, Cough management: a practical approach, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3205006/, 2011
  2. Oh, Dextromethorphan, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK538216/, 2023
  3. Plusa, [Butamirate citrate in control of cough in respiratory tract inflammation], https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/28875973/, 2017
  4. Bolser, Codeine and cough: an ineffective gold standard, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2921574/, 2010
  5. Lam, Use of antitussive medications in acute cough in young children, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC8212563/, 2021
  6. Albrecht, Role of guaifenesin in the management of chronic bronchitis and upper respiratory tract infections, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5724298/, 2017
  7. Alibašić, Efficacy of carbocisteine in the treatment of chronic obstructive pulmonary disease and impact on the quality of life, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/28786969/, 2017
  8. Kantar, An overview of efficacy and safety of ambroxol for the treatment of acute and chronic respiratory diseases with a special regard to children, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC7137760/, 2020
  9. McCormack, Acetylcysteine for Patients Requiring Mucous Secretion Clearance: A Review of Clinical Effectiveness and Safety, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK546019/, 2019
  10. Schwalfenberg, N-Acetylcysteine: A Review of Clinical Usefulness (an Old Drug with New Tricks), https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC8211525/, 2021
  11. Paul, Vapor Rub, Petrolatum, and No Treatment for Children With Nocturnal Cough and Cold Symptoms, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3600823/, 2010
  12. Tukiainen, The treatment of acute transient cough: a placebo-controlled comparison of dextromethorphan and dextromethorphan-beta 2-sympathomimetic combination, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/3758244/, 1986
  13. Dolansky, What is the evidence for the safety and efficacy of over-the-counter cough and cold preparations for children younger than six years of age?, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2528730/, 2008
  14. Rodriguez, Clinical Inquiry: Do oral decongestants have a clinically significant effect on BP in patients with hypertension?, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/28574526/, 2017
  15. Zabbo, Diphenhydramine, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK526010/, 2023