gamot sa sakit ng tiyan

9 na Gamot Para sa Sakit ng Tiyan

dr. alkareem nawal

Dr. Alkareem Nawal is a versatile healthcare professional who combines medical expertise, a passion for sports, and a commitment to education. As a dedicated general practitioner, he provides holistic care and excels in various medical disciplines. Beyond medicine, Dr. Nawal is a fervent advocate for active lifestyles and wellness in his community, and he actively shares his medical knowledge through teaching. His multifaceted approach to life underscores his tireless pursuit of physical and intellectual excellence.

Tumawag ka ng tulong o a kaya ay ambulansya kung:

  • Ang sakit ay nasa kanang bahagi ng tiyan at masakit kapag hinahawakan, sabay may lagnat o pagsusuka. Ito ay posibleng sanhi ng sakit na appendicitis. 
  • Ikaw ay nagtatae ng dugo
  • Mayroon kang hirap sa paghinga
  • Ikaw ay buntis at may pagdudugo sa daanan ng bata.
gamot sa sakit ng tiyan

Gayonpaman, ang mga lunas at gamot sa iba’t ibang sakit ng tiyan (o stomach pain sa English) ay ang mga sumusunod:

Generic (BRAND)KUNG PARA SAAN
HNBB (Buscopan)Kung pagsakit ng tiyan lang ang nararamdaman
Loperamide (Imodium o Diatab)Kung may sakit ng tiyan at pagtatae
Lactulose (Duphalac o Lilac)Kung may pagtitibi o hindi makadumi
Domperidone (Domillium)Kung may pagsusuka
Simethicone (Maalox o Kremil-S)Kung kabag ang sanhi ng sakit ng tiyan
Alginate (Gaviscon o Algina)Kung mahapdi o parang may acid na umaakyat sa lalamunan
PPI (Omepron o Pantopraz)Kung may sobrang acid sa tiyan
NSAIDs (Advil o Dolfenal)Kung dysmenorrhea ang sanhi ng sakit sa tiyan
Metronidazole (Flagyl)Kung kinakailangan ang antibiotics na remedy
Gamot sa Sakit ng Tiyan

Kung gusto nyo malaman paano ito gumagana at kung paano gamitin, basahin ang sumusunod na talata.

Kung Sakit ng Tiyan lang ang Sintomas

Ang mga antispasmodics ay mga gamot na tumutulong magpababa ng kulikat (spasm) ng mga kalamnan sa sikmura at bituka (gastrointestinal tract). Ito ay maaaring gamitin sa paggamot ng mga kondisyon tulad ng irritable bowel syndrome (IBS) at iba pang kondisyon na nagdudulot ng kulikat sa sikmura.

Ang pinakasikat na halimbawa ng antispasmodics na available sa Pilipinas ay ang Hyoscine N-Butylbromide (Buscopan). Iniinom ang Buscopan 3x a day hanggang mawala ang sakit. Tigilan ito at magpakonsulta kung hindi mawala ang pananakit ng tiyan. (1)

Umiepekto ang Buscopan sa loob ng 15 minuto.

Kung May Pagtatae (Diarrhea)

Ang mga antidiarrheals ay mga gamot na ginagamit para maibsan ang pagtatae o diarrhea at pang sintomas ng sakit sa tiyan. Ang mga kadalasang binibili sa botika na mga antidiarrheals ay ang Loperamide tulad ng Imodium at Diatabs 2 mg tablet.

Gumagana ito sa pamamagitan ng pagpabagal sa paggalaw ng mga bituka kaya pinapabagal rin ang bilang ng pagdudumi.

Uminom ng gamot na Imodium o Diatabs (2 tablets) sa unang inom, tapos 1 tablet kada isang oras (kung may pagtatae pa rin). Tigilan ito at magpakonsulta kung hindi mawala ang pagtatae at pananakit ng iyong tiyan sa loob ng pang-apat na inom (2-1-1-1). Ibig sabihin, kung hindi nireseta ng doktor, wag lumagpas ng 8 mg ang iinomin sa isang araw. (2)

Kung May Pagtitibi (Constipation)

Ang mga laxatives ay mga gamot na ginagamit para makapagdumi at maibsan ang pagkabara ng tiyan kaya ito ang ginagamit sa taong sumasakit ang tiyan sanhi ng constipation. Ang mga halimbawa ng mga laxatives ay ang psyllium husk at methylcellulose. May mga liquid din na laxatives tulad ng Lactulose (Duphalac at Lilac).

Ang Lactulose ang kadalasang nirereseta ng mga doktor dahil ang effect nito sa osmosis sa tiyan at epekto nito sa galaw ng tiyan ay maganda. Para gamitin ito, uminom ng 15-45 ml ng Duphalac o Lilac isa o dalawang beses sa isang araw habang makadumi ng malambot. maximum ang 5 araw na paggamit. Mas mainam na gamitin ito sa gabi bago matulog. (3)

Kung may Pagsusuka (Vomiting)

Ang mga anti-nausea medicines, o tinatawag na antiemetics, ay ginagamit para maibsan ang pagsusuka na may halong pananakit ng tiyan. Ilan sa mga antiemetic drugs ay ang Metoclopramide (Plasil) at Domperidone (Domillium at Motilium).

Ang domperidone ay gumagana sa pamamagitan ng pagpapabilis at magpapanormal ng galaw ng bituka. Hindi gaya ng metoclopramide na pumapasok sa utak, and domperidone ay hindi pumapasok sa utak kaya kunti ang side effect nito.

Kaya yan ang isa sa mgadahilan kung bakit kailangan ang reseta sa Metoclopramide at hindi na sa mga domperidone. (4)

Kung may Kabag (Hyperacidity)

Ang mga anti-flatulence na mga gamot ay ginagamit kung sobrang gas sa sikmura (digestive system) ang dahilan ng pananakit ng tiyan. Ilan sa mga halimbawa ng Simethicone ay ang Restime at Kremil-S.

Ang Simethicone ay ginagamit sa sakit na dulot ng sobrang hangin sa tiyan na nakakasanhi ng kabag (o bloatedness) at sobrang pangungutot (flatulence). Ito ay gumagana na parang surfactant. Ibig sabihin, binabalanse nito ang hangin (air bubble) sa tiyan at nilalabas ito. (5)

Subalit, nirereseta ang Metoclopramide lalo na sa mga pasyenteng may  gastroesophageal reflux disease, diabetic gastroparesis, at may mga cancer na nag-chechemotherapy. (6)

Kung mahapdi o parang may acid na umaakyat sa lalamunan (GERD)

Ang mga antacids ay mga gamot na tumutulong mag-neutralize ng asido sa sikmura, na nagpapabawas ng pagsusuka sanhi ng GERD at sakit ng tiyan dahil hindi makatunaw ng pagkain. Ito yong mga gamot may halong  calcium, magnesium, o aluminum. Pinapababa nito ang acid sa sikmura sa pamamagitan ng pag-react nito sa acid upang mabalanse at sa pamamagitan ng pagpigil sa Pepsin.

Ang mga halimbawa ng mga antacids ay ang Aluminum hydroxide with magnesium hydroxide (Maalox) at Calcium Carbonate (Gaviscon at Algina). Iniinom ito pagkatapos kumain, at pwedeng uminom ng hanggang anim na beses sa isang araw. Umiepekto ito sa loob ng 15-30 minuto. (7)

Dati, ang antacids ang isa sa mga pangunahing gamot sa peptic ulcer disease (o PUD), subalit noong na na-discover ang Proton Pump Inhibitor (o PPI) tulad ng Omeprazole (Omepron) at Pantoprazole (Pantopraz), mas nakita na mas epektibo ang mga ito laban sa PUD. Ito ay ginagamit rin sa mga sakit ng tiyan na sanhi ng Non-erosive reflux disease, Esophagitis, at Zollinger-Ellison Syndrome.

Ang PPI ay gumagana sa pamamagitan ng pagpatigil ng paggawa ng acid ng katawan. Ibig sabihin, bago pa gumawa ang sikmura ng acid, napipigilan na ito ng PPI. Kaya ang mga PPI tulad Omepron at Pantopraz ay iniinom bago mag-almusal (bago makagawa ng acid ang katawan) isang beses sa isang araw. (8)

Kung kinakailangan ang Antibiotics

Ang mga antibiotics ay mga gamot na ginagamit upang gamutin ang mga impeksyon na dulot ng mga bacteria. Sa mga kaso kung saan ang sakit ng tiyan ay dulot ng impeksyon, maaaring ireseta ng doktor ang mga antibiotics.

Isa sa mga antibiotics ay ang Amoxicillin (Himox) na ginagamit para sa paggamot ng mga ulcer na dulot ng Helicobacter pylori infection. Isa rin sa mga antibiotics na nireresita ay ang Metronidazole (Flagyl) para sa amebiasis at iba pang infection. Subalit, kinakailangan din ang reseta para dito. (9, 10)

Kung may Regla o Dysmenorrhea

Para sa iba pang uri ng sakit ng tiyan tulad ng dysmenorrhea (masakit na regla), maaaring makatulong ang acetaminophen tulad ng Paracetamol (Biogesic) at non-steroidal anti-inflammatories (NSAIDs). Ang NSAIDs tulad ng aspirin, ibuprofen (Advil), Mefenamic acid (Dolfenal), o naproxen (Flanax) ang mga pangunahing gamot para sa sakit ng tiyan dulot ng masakit na regla (dysmenorrhea), lalong lalo na ang Mefenamic Acid at Ibuprofen. Subalit kung allergic sa NSAIDs, pwedeng gumamit ng Paracetamol. (11)

Ano ang mga Home Remedies Pwedeng Gawin?

Maaari mong subukan ang isang heating pad upang maibsan ang pananakit ng tiyan. Ang chamomile o peppermint tea ay mga uri ng halamang gamot (herbal medicine) na maaaring makatulong sa gas. Siguraduhing uminom ng maraming tubig upang magkaroon ng sapat na tubig sa iyong katawan dahil nakakasanhi rin ng sakit ng tiyan ang dehydration.

Upang hindi masyadong nangyayari ang sakit na nararamdaman sa tiyan, sundin ang mga sumusunod:

  • Kumain lang ng kunti sa halip na tatlong malalaking pagkain. 
  • Nguyain ng mabagal at mabuti ang iyong pagkain. 
  • Iwasan ang mga pagkaing nakakadulot ng sakit ng tiyan (tulad ng maanghang o pritong pagkain). 
  • Bawasan ang stress sa pamamagitan ng ehersisyo, pagsasanay ng isipan, o yoga upong maiwasan ang sakit ng tiyan.

Kailan Dapat ang Pagkonsulta sa Doktor?

Magpakunsulta ka sa doktor kung:

  • Mayroon kang malubhang pananakit ng tiyan o abdominal pain, o kung ang sakit ay tumatagal ng ilang araw. 
  • Mayroon kang lagnat at wala kang ganang kumain sa loob ng ilang araw. 
  • May dugo sa iyong dumi. 
  • Masakit umihi. 
  • May dugo sa iyong ihi. 
  • Hindi ka makapaglabas ng dumi (constipation), lalo na kung may kasabay itong pagsusuka
  • Ikaw ay nagkaroon ng pinsala sa iyong tiyan (tulad ng aksidente) ilang araw bago nagsimula ang sakit
  • Mayroon kang heartburn na hindi gumagaling sa mga over-the-counter na gamot o tumatagal ng higit sa 2 linggo.

Mga Gamot na Binibigay sa Hospital

Kapag may pasyenteng dinala sa ospital na may sakit sa tiyan, maaring bigyan sila sa emergency room ng mga gamot tulad ng HNBB, Paracetamol, Omeprazole, Ranitidine, Ketorolac, o Tramadol, depende sa kanilang kondisyon at pangangailangan. May mga hospital din na nagbibigay ng narcotics tulad ng morphine. (12)

Ang mga H2 receptor antagonists tulad ng Ranitidine ay karaniwang ginagamit para sa mga karamdaman ng tiyan tulad ng hyperacidity o gastroesophageal reflux. Ito rin ang binibigay sa mga bata na nagrereklamo ng masakit ang tiyan. (13)

Ang Ketorolac (isang uri ng NSAIDs) at Tramadol (isang uri ng opioids) ay mga analgesic na maaari ring ibigay sa mga pasyenteng may matinding sakit sa tiyan. (14, 15)

References

  1. Tytgat, Hyoscine butylbromide: a review of its use in the treatment of abdominal cramping and pain, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/17547475/, 2007
  2. Sahi, Loperamide, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK557885/, 2003
  3. Mukherjee, Lactulose, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK536930/, 2022
  4. Reddymasu, Domperidone: review of pharmacology and clinical applications in gastroenterology, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/17488253/, 2007
  5. Ingold, Simethicone, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK555997/, 2023
  6. Isola, Metoclopramide, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK519517/, 2023
  7. Salisbury, Antacids, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK526049/, 2023
  8. Ahmed, Proton Pump Inhibitors (PPI), https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK557385/, 2023
  9. Labenz, Amoxicillin plus omeprazole versus triple therapy for eradication of Helicobacter pylori in duodenal ulcer disease: a prospective, randomized, and controlled study., https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC1375447/, 2023
  10. Weir, Metronidazole, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK539728/, 2023
  11. Naggy, Dysmenorrhea, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK560834/, 2022
  12. Falch, Treatment of acute abdominal pain in the emergency room: a systematic review of the literature, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/24449533/, 2014
  13. Morgan, Ranitidine, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK532989/, 2022
  14. Mahmoodi, Ketorolac, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK545172/, 2022
  15. Dhesi, Tramadol, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK537060/, 2023